Bawal Manghinayang!

Salamat sa mga kasamahan kong sina Daphne at Resty (at sigurado ako, may mga magpapaalala pa nito sa Lunes!), dahil tigib na tigib na ako ng panghihinayang sa dalawang bentilador at isang 8 GB USB flash drive na hindi ko napanalunan sa pagdiriwang namin dahil umuwi ako ng maaga! BOO! Boo talaga sa akin, bakit ba kasi hindi ako nakakatagal sa maiingay na lugar? Sumobra na ang sakit ng ulo ko at naubos ang enerhiya ko sa kakaibang Trip To Jerusalem, Talong Version na nilaro namin dun.

Sobrang desperado akong hawakan ang talong sa larong iyon dahil may ipapagawa daw ang mga nag-organisa ng laro sa mga hindi makakahawak sa talong sa takdang panahon. Kinailangang kong sumayaw, tumakbo at… kumapit ng mahigpit sa talong na makakasalba sa aking pagkatao. Hay, ayan tuloy, antok na antok na ako nung nagbubunutan na ng premyo.

Akalain mo ba namang ako ang mabubunot sa pinakamalaking premyo sa lahat? Ang tanga ko lang talaga kasi umuwi ako ng maaga. Hahaha.

Subalit, datapwat, gayunpaman, masayang masaya ako kasi nakuha ko ang nasa wish list ko, ang Eat Pray Love na libro ni Elizabeth Gilbert:

Tapos sa unang pabunot nakuha ko naman ang bagong baunan at lalagyan ng tubig.

Tawagin mo na akong mababaw na tao pero nung nakita ko ang baunan at ang libro, masaya na akong kumuha ng taxi at umuwi. Pakiramdam ko kasi nun sulit na yung binayad ko sa pagkain, regalo at kasiyahan pa lang.

Sa totoo lang, naalala ko talaga ang Diyos. Minsan mahilig tayong limitahan ang mga sarili natin sa mga pangarap natin. Hindi natin hinihintay na may malaki pa palang sorpresa kung magtitiyaga ka lang

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni John Lloyd Cruz sa My Amnesia Girl nung sinabi niyang: “Paano kung dumaan na siya sa harap mo, pero yumuko ka para ayusin ang sintas ng sapatos mo?”

Takte naman, pati ba naman sa premyo nalalampasan ako? Akala ko ang malas ay sa buhay pag-ibig ko lang. Sa totoo lang, hindi naman ako malas e. Swerte nga ako e; masama nga lang ang timing ko!

Napapansin ko lang din, napakapalad ko nitong linggong ito. Nanalo ako sa patimpalak ni Kikay Runner. At kung umupo pa ako ng kalahating oras sa party kagabi, may bentilador na dapat ako ngayon na nagpapahangin sa mukha ko habang sinusulat ko itong blog post ko. Kunsabagay, dagdag kuryente lang yun. LOL. Bitter much, ate? haha.

Maraming nagalak din dahil hinati sa anim na tao ang premyo ko. Iisipin ko na lang na niregaluhan ko silang anim. Ano pa nga bang mahihiling ko? Yung pagkakataon lang na nandun ako sa Christmas Party na yun, naabot ko na yung trabahong gusto ko at nakakasalamuha ko ang mga katrabahong gusto ko– kalabisan na kung maging reyna pa ako ng bentilador! Hahaha.


(hindi ako uminom ha, nakisama lang ako sa photo opp nitong si kaibigang Resty!)

Sagad na sagad ang biyaya sa akin nitong mga nakaraang buwan, kahit nanghinayang ako sa premyo, alam kong hindi yun ang huling panalo ko.

Special thanks to Carina (aka LET board exam topnotcher) for the pictures. Emo pose pa lang, alam kong top 2 na siya hahaha:


Nandito na ako sa trabahong gusto ko. Yun na ang pinakamalaking Christmas Gift ni Lord sa akin ngayong taong ito. Kaya mananatiling matamis ang aking ngiti, gaya nito:

At pangako, sa susunod na taon, hindi na ako uuwi ng maaga! hahaha.

Malapit na Pasko. Thank you so much Jesus, you rock my world! 🙂

>Eat Pray Love

>”Ruin is a gift. It is a road to transformation. And we must be always prepared for waves of transformations.”
-elizabeth gilbert, epl.

I spent my morning with mom and harvey, and the afternoon with my girl pals carol, mitch and ann rosette. We are the C.H.A.R.M. group during our freshie days in U.P. It stands for the letters of our names, aside from what I hope to be the female charm we four have in common.

It was so much fun meeting with them. And I have been dying to watch EPL since two weeks ago. J’ai de la chance; the movie was still showing at Trinoma Cinema 2! And I feel a bit sorry for being insistent to watch it. Rosette had something else in mind, but I believe they enjoyed my pick. Haha.

Hours flew by with them. Wasn’t it only yesterday when Carol was freshly married or Mitch was chubby wearing her hiphop shorts in school or Rosette hardly wearing any makeup or fancy clothing… And me, well, there were a lot of changes too…

Now, Carol is hands on raising my English speaking inaanak who wins contests. Manang mana kay ninang… Rosette is almost in marital bliss; she looks great and has become a girly girl even with her outfits. And Mitch is now wearing braces, lost all of her baby fats and looks ravishing.

I hope I looked better too, as they are. But I settled with blending in for the recovery might add some years to my aura for awhile.

There were some promises for future sleepovers and making this a monthly thing. I am so looking forward to that.

The realizations from the Julia Roberts movie deserves another post made when my brain is at its freshest best…

Meanwhile, I shall bask in the art of doing nothing.
Let’s cross over… Later. Haha.