T.A.E. + M.U.M.U. = ? Equations of Unrequited Love

This post with equations was inspired by Mr. Semidoppel. Hahaha.

Takot na takot ako sa MUMU nung bata pa ako. Pero ngayon, para akong tanga kasi palagi na lang akong nalalagay sa sitwasyon ng MUMU. At madalas, may kasama pang TAE. Papakilala ko pala muna ang ibig kong ipahiwatig sa salitang MUMU at TAE:

***

T.A.E. = trial and error

M.U.M.U. = maling unawaan at malabong usapan

***

Case 1: Mas mahal ka niya kesa mahal mo siya.

Pag nagtrial and error kang kilalanin ang isang tao at makikita mong mas lamang ang pagtingin niya sayo, medyo map-pressure ka. Feeling mo hindi mo kayang ibigay yung binibigay niya. Nung nandito ako sa sitwasyong ito, kinapalan ko na lang ang mukha ko at sinabi ko sa kanya na hindi ko kaya. Syempre naghuramentado si kuya. πŸ™ Halos ipakulam niya ako sa sobrang sama ng loob niya. Alam niya kasi na kahit papano ay gusto ko siya, pero pinipigil ko ang aking sarili dahil pakiramdam ko ay walang balanse kung hindi pantay ang bigayan namin.

So, Case 1: TAE + MUMU = KTHNXBYE.

PERO, kunwari nakita ko si Kuya na may kasamang iba at nakaramdam ako ng sakit, selos at kung anik na mga bagay na hindi ko inakalang mararamdaman ko sa kanya, nag-iiba ang resulta ng equation.

TAE + MUMU + SELOS (after time t) = ANG PAGSISISI AY NASA HULI.

Wish mo na lang gusto ka pa niya. Kaya, sa mga nandito, MANIGURO kayo na wala talagang kahit anong pagsisisi sa huli. Mahirap na.

 

Case 2: Mas mahal mo siya kesa mahal ka niya.

Napakasakit, Kuya Eddie. Bakyet ba ganito ang buhay? Hahaha. Kung pwede lang talagang ialay ang sandamukal na pagmamahal natin sa mga taong tunay at wagas na nagmamahal sa atin, mababawasan sana ang mga miserableng tao at mga bagong Koreanovela na may mga luhaang kontrabida na Bitter Ocampo dahil walang nagmamahal sa kanila.

Kaso itong lintek na pasaway na Kupidong ito, kung saan saan na lang kung pumapana e. Hindi mo napipili kung kanino ka nagkakagusto. I swear, pag nakita ko si Kupido sa bintana ng kwarto ko, hihilahin ko yang lampin niya at isasabit ko siya sa bubong para hindi na siya lalapit sa akin! Grrrr. Lagot ka sakin, Kupido.

For Case 2, TAE + MUMU = OUCH OUCH OUCH OUCH OUCH……. infinity!

Dito, ikaw yung maiiwan para umiyak, magvideoke ng “All By Myself” a la Sunshine Corazon sa bagong episode ng Glee, maglasing, at kumain ng kumain na para bang mapupuno ang butas ng puso mo kung pupunuin mo ang tiyan mo. Ang totoo niyan, matatae ka lang pero masakit pa rin ang dibdib mo pagkatapos. I’ve been to this damn road so many frigging times.

Ang tanging solusyon lang eh bitawan na si Kuya, kalimutan na lang ang kaganapan at pilitin manatiling maganda sa gitna ng lahat.

TAE + MUMU + GOOD USE OF TIME = GANDA MO NA ULIT at HINDI MO SIYA KAWALAN.

 

Case 3: Saktong pantay ang pagmamahal ninyo sa isa’t isa

TAE + MUMU = IMAGINARY WORLD? NOBELA? KUWENTONG PAMBATA?

Hindi nangyayari sa real life na pantay ang pagmamahal. Palaging may nakakalamang. Naiinis na nga ako habang sinusulat ko ito, kasi naaalala ko lang na palagi na lang akong nasa gitna ng dalawang bato: ang bato na hindi ko masyadong mahal, at ang bato na mahal ko masyado.

Pero kung ako ang papipiliin mo, mas gusto ko na mas mahal ko siya kaysa siya sa akin. Kahit ang sakit sakit palagi ng ganito, iniisip ko na kung andun ako sa taong mahal ko talaga, kahit maliit na keychain lang ang ibigay niya ay natutuwa na ako. Hindi kagaya nung hindi ko masyadong mahal yung tao. Kahit sungkitin na niya ang buwan at dalhin sa akin ay hindi pa rin ako natitinag.

Babala: Wag akong tularan. Madalas na basag ang mga taong katulad ko kung mag-isip. Kasi hindi namin nabibigyan ng pagkakataon yung mga tunay na nagmamahal sa amin, kakapilit ng sarili sa taong hindi naman kami kayang pahalagahan. Β Kung gusto mong malinis lagi ang mga mata mo (Read: laging umiiyak), COME AND JOIN US.

Special Case:Β Hindi alam sino ang mas may mahal kanino.

Grabe ang hirap nito! haha.

TAE + MUMU = NOT ENOUGH DATA, NO SOLUTION.

Ito na ang pinakamalabong sitwasyon sa lahat e. Yung hindi mo alam kasi iba yung sinasabi niya sa ginagawa niya. Oo, sige, actions speak louder than words. Pero paano kung mahal ka pala niya pero hindi lang niya gustong hayaang mahulog siya sayo dahil takot siya sa commitment? Paano kung hindi lang niya nakikita na mahalaga ka kasi madaling i-take for granted ang tao na laging nandiyan para sa kanya? Paano kung sa finish line ay siya pa rin pala? Pagsasarhan mo ba agad ng pinto ng puso mo?

Pero paano kung batukan kita ngayon na para matauhan ka? Hindi mo dapat iniisip ang nasa ilalim ng utak ng tao.Β Sa tingin ko, kung talagang laan ang tao para sa iyo, hindi ka mailalagay sa sitwasyong TAE at MUMU kasi magiging malinaw pa sa sikat ng araw kung ano kayo. Na kahit mahirap at pareho kayong busy ay gagawa kayo ng paraan na magkita kasi gusto ninyong makasama ang isa’t isa. Hindi niya hahayaang iiyak ka na lang at para bang mamamalimos ka pa ng oras niya kasi ibibigay na niya yun ng kusa. At kahit ano pang takot na masaktan, kung talagang nakikita ng taong iyon ang halaga mo, ay pipilitin niyang maging matapang para sa iyo. Higit sa lahat, hindi ka iiwan sa ere at nagtatanong kung MU pa ba kayo or wala na.

Ang problema ko lang, hindi ko pa nakita sa tunay na buhay ang ganyang klase ng pagmamahal. Nakikita ko lang siya sa ibang tao at sa mga libro na binabasa ko. At humahanga ako sa mga nakakahanap nito. Talagang pinagpala kayong lahat.

Ang moral lesson:

Ang MUMU ay para sa mga bata lamang.

Ang TAE ay dapat i-flush na at hindi pinaparami dahil magkakasakit ka lang.

Ilagay ang mga bagay sa dapat nilang kalagyan.

***

Ang spark ay maganda lang sa malayo. Pag malapit na, malamang kinuryente or sinunog ka na. Tinamaan ka na ng lintik. I-FIRE PROOF ang sarili sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Kumain ng marami, uminom ng hustong tubig, matulog ng maayos.

Mag-exercise.

Magtrabaho ng magtrabaho. Magpaka-busy ka.

Wag mo ng titingnan ang Facebook, Twitter, blog, picture at kung ano ano pa na makakapagpaiyak lang sayo. Kahit magtext siya, tiisin mo lang. Wag mong sasagutin ang tawag niya. I-block mo siya sa lahat ng pwedeng pagblock-an.

Namimiss mo ba siya? Bumili ng teddy bear na kasinglaki niya at yakapin araw-araw. Pwede na yun. Kaya mo yan.

Magdasal.

(Balita ko effective daw ang pagpunta sa Baclaran tuwing first Wednesdays ng buwan para sa mga sawi sa pag-ibig. Alam na bakit ang dami daming tao dun.)

***

Ang sarap tumae ng sama ng loob sa blog. Hahaha.

Nararamdaman kong sisikat na ulit ang araw at wala ng MUMU sa kama ko bukas.

23 thoughts on “T.A.E. + M.U.M.U. = ? Equations of Unrequited Love

  1. heheheh para akong tanga, nakangisi sa harap ng monitor habang binabagtas ng aking mga mata ang bawat litanya na nasa itaas… πŸ™‚

    at mas gusto ko yata ang TAE lang kesa TAE + MUMU…. πŸ˜›

    tsaka pwede bang isali dyan ung tinatawag nila na DEDE? ang destinata o destiny (sori, wla akong maisip na ibang abbr eh) heheheh

    1. hahahaha. hi mr. semidoppel, salamat sa pagbibigay sa akin ng ideya.
      hmmm. masakyet e. ang sakit sakit sakit. haha. ang layo ng sinagot ko, parang yung sa post mo lang…

    1. bwahahaha namatay na tayo sa maling akala nonoy ano. πŸ˜› i don’t know what to say too (samantalang nakaapat na posts na yata akels…)

  2. hehehe ate nag enjoy ako!!! sobra! nagegets ko ahaha… eto yung gusto ko Special Case: Hindi alam sino ang mas may mahal kanino… kasi andito ako sa sitwasyon na ito ay.. GOD BLESS ate.. ang galing ng post mo..tingin ko sisikat ka parang si Bob ong.. hehe pag patuloy mo yan ate.. sana ganyan din ako gumawa ng post.. hehe gs2 ko rin tuloy gumwa ng ganyan πŸ™‚

    1. manggaya ba ng trip? hahaha. kunsabagay, ginaya ko nga lang si mr. semidoppel e. πŸ™‚

      hay si bob ong paborito ko yun e. haha. kamukha ba ng style niya? di ko sinasadya, nagttrip lang ako nito kagabi. πŸ˜€ sarap nga e. mukhang mga one month akong ganito…

  3. Ako, kadalasan, nasa special case. Pero naexperience ko na lahat ng cases na yan. Isang beses lang ako di nakaalis agad kaya ayun, mega-drama. After nun, lahat na lang ata eh nasa special case kasi ayoko masaktan. Pero after nung last ko, napatunayan ko na mas okay sakin yung mas mahal ako kesa sa feelings ko. Pero nakakatakot din kasi na-fall out of love ako dun. Pero yun naman kasi eh maraming rason. Ay nagkwento na ko dito? Hahahahah.

    Nakakatuwa kasi nakakarelate ako sa mga posts mo. Pero totoo yung sabi mo na kung laan sayo, kung gusto ka talaga ng tao, gagawan ng paraan para maging kayo or something (unless committed na, thus my last blog post – naki-plug ng post? hahaha).

    Yung “He’s not that into you” na linya nun sa Sex & the city, sobrang gamit na gamit ko yan. Totoo naman kasi. If he’s really into you, he’d do everything to be with you. πŸ™‚

    1. hahahah mega-drama? parang ako lang? hahahaha. thanks so much sa inputs mo mhel. hahaha. ano pa nga ba at mapapatambay ka lang naman sa isang blog kung nakikita mong nakakarelate ka, hindi ba? πŸ™‚

      pinag-iisipan ko na yang point of view mo na dapat mas mahal ako nung tao. may pagkamasokista kasi ata ako e…

  4. Hahahaha..Yes its me HELEN, hehehe..i enjoyed reading this POST..ito lang masasabi ko ” BANG! ” nice one.

    1. Hello Marlon! bilang isang aspiring writer, mas nage-enjoy ako na nage-enjoy kayo sa sinusulat ko. Sana ay mapagyaman ko pa ang kakayahan kong magsulat, seryoso man o kalokohan. haha. Maraming salamat!
      πŸ™‚

  5. nakakatuwa friend. nai-apply ko na yata ang lahat ng equations na yan sa buhay ko at hindi pa rin ako na-solve. haha!

    at present ako ay nasa:
    TAE + MUMU = NOT ENOUGH DATA, NO SOLUTION.
    at sapul na sapul mo.

    as usual, magaling ka na naman. =)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *