April 22

My Top 4 Bigating Best Actress Moments

Note: Ang pagkakahalintulad sa mga pangyayari sa tunay na buhay ay pawang nagkataon lamang. Isang malaking CHOS!

Pang-Biyernes Santo ang tema ng pagkamatay at pamamaalam, so tamang tama lang ito. Heto ang mga pinakabigating drama moments ng buhay ko. At kagaya ng mga nakagawiang posts na tulad nito, inaasahan kong malilibang na naman kayo sa kamalasan ko. Haha. Enjoy. Pang-Easter na din ito.

4. Role: Ang Sinawimpalad na Trabahador

Sa opisina ang setting nito. ย Inemail ko siya ng napakahabang pamamaalam. Ang gaganda pa nga ng sinulat ko dun e. “I wanted you to be the novel that stretches out far to the end of my life. But I have to accept that you are just another SHORT STORY…” Yaddah Yaddah Yaddah… Alas siyete ko pa siya sinulatan nun para makapagtrabaho ako ng marami at hindi ko na siya iisipin. Sinabi ko pa sa email na: “Please do not keep in touch. Blinock na kita sa lahat ng accounts (Gtalk, FB, Twitter etc.) para hindi na ako masasaktan kung makita kong may kasama kang iba.” Maganda na e. Hindi na ako naiyak. Sabi ko, mas okay na ito para makalimot nako.

But wait! There’s more! Sumagot siya. Nag-text si Kuya ng mga alas nuwebe ng umaga. Binanggit niya ang term of endearment namin (arayyyyy baket yun pa kasi!) sabay sabing “I’m sorry…” Nung panahong iyon ay nage-edit ako ng makapal na math problems sa aking mesa. Panandalian akong tumingin sa bintana at tinanaw ko ang MRT train. Natulala ako dun ng mga sampung segundo. Tumingala ako kasi nagsisimula ng tumulo ang luha. Tinanggap lang niya na goodbye na kami. Ni hindi man lang ako pinigilan. Hikbi. Buset.

Nagtext pa ulit ng something like: “I will forever be grateful for what happened between us.”ย Huhu. Umiyak ako ng napakatahimik na iyak dahil nasa opisina ako. Nagpipindot sa keypad ng aking E71 in reply. Di ko na maalala eksaktong sinabi ko pero parang sinabi ko na. “Please tama na ang text. Please give me some dignity and capacity to work.” Pero ang tunay na gusto kong sabihin sa kanya: “Kung talagang FOREVER grateful ka ay hindi mo hahayaang mawala ako sa buhay mo ng ganun ganun na lang. Gagawin mo ang lahat wag lang akong mawala kung pang-FOREVER ka nga.” Kaso hindi ko na nasabi.ย Awang awa ako sa sarili ko nung mga panahong iyon.

At pumatak patak na ang matatabang luha dun sa math problems na inaayos ko. Tapos nagpa-panic na ako kasi nagsisinghot na din ako at maririnig na ako ng officemates kong mga abala din sa ginagawa nila. Malapit ko na rin silang masinghot sa sobrang lakas ng singhot ko nun. So pasimple akong umalis sa mesa, pumunta sa CR at kunwari ay iihi ako. May tao pala, naghuhugas ng kamay. Pakshet. Pigil iyak ulit.

Ngumiti ako sa tao sa CR, Ngiting aso na kasi nagpipigil ako ng iyak. Tapos pagdating sa cubicle, WALANG TISSUE. Anak ng huweteng. Umiyak pa rin ako. Huwag niyo ng tanungin anong ginamit kong pampahid sa luha ko. Pulang pula na ang mata at mukha ko doon. Kapit sa wall. Umupo sa trono na nakatukod ang siko sa tuhod. At pinatulo ko lang yung luha ko hanggang medyo mabawasan para hindi masira yung ine-edit ko sa mesa ko.

Bumalik ako sa mesa ko. Naiiyak pa rin ako. Pero konti na lang. Maya maya ay nilapitan ako ng officemate ko para magtanong tungkol sa isang proyekto. “Ayyy. Helen. What happened? Okay ka lang ba?” tanong niya. Sabi ko: “Oo okay lang ako…” Pero alam nilang umiyak ako.

Buset kasi si Kuya eh, sinabi ng wag ng magkeep in touch, nag-text text pa. Sana nami-miss niya rin ako.

The End.

3. Role: Ang Astronaut na Disinuwebe Anyos

Ang Nakaraan: Pinaghintay niya ako sa enrollment ng limang oras. Kasi daw eh nag-inuman sila ni Pareng Toot at hindi siya nagising ng maaga. Okay lang sana kung hindi enrollment. Nasa kanya kasi lahat ng requirements ko para makapag-enroll at pipila pa ako para kumuha ng ibang subjects. Nagkakalabuan na kami ni Kuya nun at napuno ako sa pagpapabaya niya sa akin.

Ang eksena: Hinatid ako ni Kuya sa bahay matapos ang nakakapagod na araw.

Sinimulan ko ang usapan:

Ako: Hunny, we need to talk.

Siya: Yes Hunny, what is it?

Ako: Hindi mo na yata ako mahal. I think we need some space. (Feeling astronaut ako nun e.)

Siya: (NGUMITI. NATUWA!) Ah talaga? Oo nga e. Salamat ah.

Ako: (Shocked) Ha? Ah… Okay…

Siya: Sige hunny alis na ako ha.

*Biglang tumugtog ang theme song namin. Bakyet ba ganyan ang mga DJ, parang psychic na mapang-asar lang*

He kissed me sa noo. Umiyak ako. Tapos nakangiti pa rin siya at umalis na siya. “Wag ka ng umiyak. Masaya kaya ako.”

Gusto kong habulin: “Tekaaaaaa. Hindi ko pala kayaaaaa. Waaaaaah”

May mapanising pwersang umaaway sa akin sa loob ng utak ko nun: Ayan tuloy. Space pala ha. Nasa outer space na tuloy yung puso mo na… MAG-ISA!

Pero wala akong sinabi out loud. Pumasok ako sa kwarto. Niyakap ko ang bigay niyang stuffed toy na malaki na kulay pink.

At bawat gabi ng buwan na iyon ay yakap-yakap ko ang stuffed toy na yun tuwing natutulog ako or umiiyak ako (alternate). ๐Ÿ™

Na-miss ko siya ng mahigit limang taon. Na-miss niya ako pitong taon matapos ang aming hiwalayan.

(may mahaba at malungkot na karugtong ito kaso aantukin lang kayo pag ikuwento ko)

The End

2. Role: Kinulong sa Kotse

Nasa kahabaan kami ng trafficless C-5 nung biglang umiral ang pagkaseloso ni Kuya. Nagsimula siyang magkulay green (green with envy or jealousy diba) na parang si Hulk na payatot. Nagkunot pa ang kunot na niyang noo at napahigpit ang kapit sa manibela.

Ako: Ibaba mo na ako dito. Ayoko na! Please. Huhuhu…

Siya: *Nag-child lock ng mga pintuan ng sasakyan para hindi ako makalabas at pinabilis sa mahigit nobenta o otsenta ang patakbo sa kotse niya.*

Ako: *hagulgol at kumapit sa gilid ng kotse niya*

Siya: *Kumalma after 20 minutes na pagpapalipad ng sasakyan.*

Tinandaan kong wag ng makipag-date sa taong may kotse na mainit palagi ang ulo.

Wala akong pakialam kung ma-miss niya ako o hindi. Pero nung minsan inabangan niya ako sa klase ko para makipagbalikan, isang taon matapos ang nasabing insidente.

The End

1. Role: Call and Text SUPER DUPER Unlimited Iyakin

Gabing gabi na nun at akala ko ay tulog na ang mga tao. Habang may kausap sa cellphone sa Sun unli call at text, nagsimula kaming magtalo. ย Hindi ko matandaan ang eksaktong detalye pero nagpapalitan kami ng English arguments ni then-bf. English-an kami ng English-an ni Koya (Koya siya kasi… hihi).

Ang tali-talino kasi ni Koya so may sinabi siya na hindi na ako nakasagot. Nasaktan ako ng husto kasi parang ininsulto niya ako nun.

So humagulgol ako. Parang ganito: “owoooooohhhhh. woooohhuhuhuhuhuhuhu…”

Tapos sabi niya: “Stop crying. Stop crying…” Galit na siya nung sinasabi niya yun.

Sabi ko…” wooohuhuhuhuhu. It’s over (pabulong). It’s over (normal voice). IT’S OVERRRRRR (pasigaw).”

At inulit ko siya. At inulit ko pa ulit.

Kumapit ako sa pinto habang humahagulgol sa telepono. May paluhod-luhod effect pa akong nalalaman.

(Hindi ito nakakatawa nung ginagawa ko, pero ngayong sinusulat ko ito ngayon ay naiisip kong nakakadiri talaga yung moment ko dito sa pintuan ng bahay namin nun. Yikes!)

Paglingon ko, nandun ang pinsan ko at tatay ko, nakanganga lang sa akin. Hindi makapaniwala. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Umakyat ako sa kwarto at pinagpatuloy ko ang iyak ko pagkababa ng cellphone.

Kinabukasan, hindi nila ako tinigilan ng pang-aasar. Ginagaya nila ako. “It’s over… It’s OVERRRRR.” ย Magpasahanggang ngayon ay tinutukso ako dito sa bahay ng “It’s over!” tuwing naririnig nila ito sa TV at sa radyo. Naging private joke na ito sa aming pamilya na umabot pa pati sa mga pinsan at kapitbahay namin.

Nag-break kami mga two months later pa. Acting lang talaga yung gabing iyon.

Alam kong nami-miss niya ako. Pero hindi ko na siya nami-miss kasi pinaiyak niya ako ng sobra-sobra noong mahal ko pa siya.

***

Kaya ako tinaguriang Best Actress sa aming pamilya. Ako kasi yung laging malas sa ganito.

Pero na-break na ang record ko ng pinsan ko kahapon. Bwahahaha. Best Supporting Actress na lang ako sa bahay. ๐Ÿ˜› Yebah!

The End! ๐Ÿ˜€




Copyright Helen Mary Labao-Barrameda 2016. All rights reserved.

Posted April 22, 2011 by helen in category "Emotera", "Reckless imprudence of my youth

About the Author

* Freelance Article Writer, Editor, and Blogger * Bookworm * Geodetic Engineer * Geospatial Geek * Project Manager * Web Development Enthusiast * Aspiring Data Scientist * Lawfully Wedded Wife * Wannabe Novelist * Androidography Hobbyist * Open Source Advocate * Occasional Traveler * & * Digital Information Junkie*

24 COMMENTS :

  1. By JoMi on

    Grabe, mixed emotion naramdaman ko habang binabasa ko itong sinulat mo, Helen… Una, nakakatawa mga scene habang humahagulgol ka, at sinasabing It’s OVERRRR!!! hehehe! Ikalawa, nakakaawa ka naman, kasi parang sobrang sakit yung naramdaman mo. Baka kung kapatid lang kita, huntingin ko yung lalaki na yun at gugupitan ko ng kuko eh! Kasama yung laman sa paa, hehehe! Tama yan, ilabas mo lang ang lahat, kaysa naman mabaliw ka! Tandaan mo, pagkatapos ng bagyo, may araw at bahag-hari… At sa dulo ng bahag-hari, merong COCO CRUNCH, hehehe! Darating din si Tarzan, ang lalaking matagal mo ng hinahanap, kaya ipag pray mo lang, ok?! Hehehe! Natutuwa ako kasi kahit medyo naka hibernate mode ka pa din, parang mas ok, kasi may panahon ka mag blog hop! I know sobrang busy ka, kaya I really want to thank you for the time! Basta, bago ka mabaliw at kailangan mong may makausap, dito lang kaming mga kaibigan mo! Salamat at napatawa mo ako, ang galing mo talagang write, mapa tagalog or english, the best talaga! IDOL kita, hehehe! Hanggang sa muli.. IT’S OVERRRRR!!! Hehehe! God bless! =)

    Reply
    1. By Helen Mary Labao (Post author) on

      wahahahahaha Jomi parang blogpost na yung comment mo, panalo! hahahaha. actually okay na ako pag nakakita na ako ng bahaghari. hindi ko na naimagine ang coco crunch at si Tarzan. ๐Ÿ˜› Tarzan talaga? O_O hahaha.

      maraming salamat sa pagtiyaga sa aking mga kalokohan. lol.

      Reply
  2. By blankPixels on

    Waaahh ako rin, mixed emotions. Natatawa ako kasi matindi imagination ko kaya super naimagine ko yung drama mo na “it’s overrrr”. Baka nalokah rin ako kung nakita kita nun at di rin kita titigilan ng pang-aasar.

    Pero grabeh, ang tindi ng pinagdaanan mo sa pag-ibig, sistah. I believe you’re doing better naman now, considering na you’ve got the courage and humor to write about them here. Keep your head up, gurl. Darating din ang taong para satin. ๐Ÿ™‚

    *hugsssss*

    Reply
    1. By Helen Mary Labao (Post author) on

      hi mhel! buti na lang wala ka nun. hahahaha. sobrang halos isang taon na since it happened pero yung mga tao sa amin naaalala pa rin. ๐Ÿ™‚

      Reply
  3. By metal pig on

    tama ka, pang byernes santo nga ang tema… ๐Ÿ™‚
    agree ako ke JoMi, na pagkatapos ng bagyo at ulan ay may lulutang na bahag-hari… – at pagkatapos mong umiyak ng ga-ilog ay darating din ang taong nakalaan at magmamahal sa’yo ng lubusan… ๐Ÿ˜›

    Reply
  4. By halojin on

    it’s over!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! hahahahahahahahahahahahahahahahahahhahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahahaaah

    ๐Ÿ˜€ hahaha

    Reply
    1. By Helen Mary Labao (Post author) on

      hahahaha! ibang level ng tawa yan, pangmental hospital na yan halojin! ๐Ÿ˜›

      oha, OHA, saan ka? saan kaaaaa? walaaaaaa. talunin mo yan lahat. hahahaha. ๐Ÿ˜›

      Reply
  5. By tonie on

    friend, alam kong di nga to nakakatawa nung moment na ginagawa mo to. pero ngayon, wahahahahahahahahahah! tawa ako nang tawa habang binabasa ko. naiisip ko rin yung mga best actress moments ko. at parang gusto ko rin silang isulat pero tinatamad ako. haha!

    magaling na naman.

    Reply
  6. By boy_gps on

    Putek. Tawang tawa ko hahaha sobrang tawa ko kinailangan kitang itext para lang sabihin sa yo na natatawa pa rin ako hanggang ngayon ang kulit lang bwahahahaha

    Reply
  7. By Jakey Junkie The Bunny on

    Ay!!! Akala ko pa naman sobrang napaka-lungkot ng mababasa ko. Bagama’t nakalulungkot nga ang mga kalagayan, may sipa pa rin ng kaliwanagan, lalo na sa nangyari sa pang-una.

    Inihanda ko pa naman itong tugtugin nito para idol:

    Reply
    1. By helen (Post author) on

      hahaha may bunny na napatalon sa aking tahanan! hahaha. Salamuch! tiyempo naman at yung mahabang post ko pa ang nauna mong nabasa Jakey! ๐Ÿ˜‰ sa kinamalasang palad ay mamayang gabi ko pa yan mapapanood (youtube video) sapagkat bawal ang Youtube sa opisina ko hahaha.

      Reply
  8. By Ice on

    The plant is an agave plant! They chop off all the leaves, leaving a vaguely pib-lppaeeresemnling mass of just the starchy middle, and then they pulp that and make tequila. I had to check it out after your comment because I thought you were being sarcastic and somehow they’d let in a picture of a dude with some illegal plant.

    Reply

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *