Gagang Gupit

Hawak ko ang hibla ng mahaba kong buhok nung naglalakad ako papunta sa parlor. Binalak kong pahabain ito. Ngunit, naluto ng chlorine sa huling swimming na pinuntahan ko at hindi ko na halos masuklay. Nanghihinayang ako. Nagbago ang isip ko na pagupitan. Sabi ko: “Hot oil na lang. Sayang ang mahigit isang taong pagpapahaba nito. Pinakulayan pa ng ash blonde.”

Pagdating sa parlor ay binati ako ng babaeng mukhang may pitong anak na aburido ng konti sa buhay. Siya pala ang mag-aasikaso sa akin. Medyo naasiwa ako kasi sanay akong bading lagi ang humahawak ng buhok ko. Lalo akong nagduda na matutuloy ang paggupit ko ng medyo mahaba ko ng buhok. Wala akong tiwala sa kanya.

Matapos ang hot oil ay binanlawan na ni Ate ang buhok ko. Habang pinapatuyo ang buhok ko, nakita ko sa telebisyon ang commercial ng bagong Koreanovela sa GMA 7. Hindi ko maalala ang pangalan, magkakamukha lang naman kasi sila diba.

Pero nakita ko ang bidang babae. Kinalabit ko si Ateng aburido: “Ate, ganyan gawin mo sa buhok ko.”

Ate: “Sigurado ka?” (at may anim na beses niyang inulit yan)

Ako: OO. Bagay yan sa akin.

Ate: *umiiling*

(Pero ako pa rin naman ang nasunod kahit pakialamera much si Ate.)

In fairness naman, mahusay si Ate. Nakopya niya ang buhok ng bida sa Koreanovela:

 

Ito na ang pagmamarka ng bagong kabanata ng buhay ko bilang isang dalaga.

***

Maraming salamat kay Ann Michelle Medina para sa unang larawan at sa kapatid kong si Huglets para sa pangalawang larawan. Second photo also enhanced by Ms. Haydee Lyn Suarez. πŸ˜‰

12 thoughts on “Gagang Gupit

  1. Wow naman, baka dumami suitors mo nyan ah?! Hehehe! Bagay sa’yo helen, nag mukha kang korean actress, lalong na enhanced ang beauty mo, WINNERRR!!! hehehe! I’m so happy for you my friend! Enjoy life to the fullest! CHEERS! =)

  2. ang galing naman ng photoshop pero maganda ka naman talga miss HELEN… konting advise lng ha, hwag ka sana naka yuko pag naglalakad :).ipakita mo face mo kasi nga maganda ka naman… hwag kang magtago sa buhok mo …. kasi nga maganda ka naman …ay ang kulit paulit-ulit….hehehe napadaaan lng po ….

  3. ang galing naman ng photoshop pero maganda ka naman talga miss HELEN… konting advise lng ha, hwag ka sana naka yuko pag naglalakad :).ipakita mo face mo kasi nga maganda ka naman… hwag kang magtago sa buhok mo …. kasi nga maganda ka naman …ay ang kulit paulit-ulit….hehehe napadaaan lng…..

  4. hello sis..sabi q na nga ba ikaw yung nkasabay q 1time sa bus eh..nagulat aq sa gupit mo sis pero super bagay sau mas nag-bloom ka sa gupit mo sis..ingatz lagi sis..regards sa family mo…God Bless always..Gud luck po sa lahat ng aspeto ng buhay natn..aja!!..cyah!..mwuah!..(^^,)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *