Single or None? (The Problem with Facebook Relationship Statuses)

Mahigit limang buwan na pala mula nung binago ko ang relationship status ko sa Facebook. Pinalitan ko siya ng “None” mula sa “In a Relationship”. Oo, NONE. Ito ‘yung blankong field sa dropdown box pag nag-click ka ng Edit Profile. Bilang napaka-weird kong tao, wala pa akong ibang friend sa Facebook na nakitaan ko na gumamit ng status na NONE.

Iniisip ko kasi noong isang taon na kung ilalagay ko ang “Single”, iisipin ng mga kaibigan ko na pwede na akong ipakilala sa mga kaibigan nila. May mga kaibigan kasi ako na tuwang tuwa akong ipakilala sa mga kaibigan nilang lalaki tuwing wala akong kalukadidang. Yung iba naman, matatakot na ayain ako sa mga gimikan for fear na magb-breakdown ako bigla pag narinig ko ang theme song ko or something.

Bukod pa doon, ayokong mangolekta ng kuro-kuro, awa comments or likes na Single ako ulit. Hindi ko rin gustong magpadala ng maling senyales sa pamamagitan ng pag-anunsyo sa daigdig ng news feed ko na basag ako.

Lumipas na ang panahon at iniisip ko kung dapat ko pa bang baguhin ang relationship status ko sa Facebook dahil hindi naman na ako nangingilag sa mga tao ngayon. Hindi na ako basag. Hindi na ako sabog at kung anu-ano pa.

Pero nung tinitingnan ko ang mga pagpipilian kong relationship statuses kagabi, hindi ko pa rin malaman kung saan ko ilalagay ang sarili ko:

In A Relationship? Hindi pa naman.

Married? Lalong hindi.

Open Relationship? Baka pwede na ito kapag mga 40 years old nako pero hindi pa ngayon.

Widowed? Not applicable.

Divorced? Also not applicable.

It’s complicated? Hmmm. Dito na ba ako ngayon?Β Pero hindi naman malabo o komplikado ang estado ng puso ko, so hindi rin bagay sa akin na ilagay yung sarili ko dun. Malinaw pa sa sikat ng araw ang status ko, at sobrang hindi bagay sa akin magpaka-complicated para lang maipasok ang sarili sa iisang kategorya.

So isa na lang talaga yung natitirang status para sa akin: SINGLE.

At nabato talaga ako dun sa salitang ‘yun.

Hindi ba alam ng gumawa ng Facebook na napakaraming klase ng pagiging “Single”? Hindi kasya sa nag-iisang salitang “Single” ang mga Facebook users na hindi sumakto sa ibang kategorya ng relationship statuses na ibinibigay nila.

May naisip akong sampung additional relationship statuses na puwede sana sa mga nabo-bore na sa salitang SINGLE, dahil hindi nito talaga tunay na napupulsuhan ng kumpleto ang estado ng puso ng mga tao. Alam kong marami pang pwede pero ito lang yung mga naiisip ko sa pagkadaot ko sa pag-ayos ng Facebook profile ko:

10. Single Forever.

Hindi lahat ng tao ay naghahanap ng love life. May mga nag-iisip magmadre, magpari at maging misyonerong hindi maaaring matali sa relasyon. Bakit wala silang sariling kategorya, samantalang karamihan sa kanila ay masisipag at masisigasig naman sa pinili nilang estado sa buhay?

9. Waiting Forever a.k.a.Β Emotionally reserved.

Sa hindi malamang kadahilanan, ang mga tao sa status na ito ay Single lang ang status pero may hinihintay ng tao. Wala na silang interes sa iba. May napili na pero hindi pa alam kung saan papunta.

Puwedeng hinihintay na mawala ang heartache ni babae para makapanligaw na, hinihintay na manligaw si lalaki na puro palipad hangin lang, hinihintay na bumalik ang ex niya (dream on, man!), hinihintay pa ang kahihinatnan ng pagda-date at kung anu-ano pa.

 

8. May ka-M.U.

Ito ay medyo kahawig ng number 9. Pero sila yung ang opisyal na tawagang boyfriend at girlfriend na lang talaga ang kulang. Tapos na sila sa “getting to know you” stage at papunta na sa “I want to spend the rest of my life with you” stage, pero hindi pa maamin sa sarili.

7. Heartbroken.

Ito yung mga bagong break na tumutupad pa sa three month rule (manood ng One More Chance para maka-relate ka naman…), naiiyak na lang bigla pag naririnig ang paborito nilang kanta ng ex niya at madalas maglasing kasama ang mga tropa. Nandito na rin siguro sa grupong ito yung mga biktima ng napakasaklap na UNREQUITED LOVE. In short, wala pa sa sariling katinuan.

6. Too busy to date.

Ito ang mga career-driven singles na walang oras sa pakikipagrelasyon. Laging overtime sa office, hindi na naglo-load ng cellphone kasi wala namang ka-text, at wala ng life bukod sa opisina. Pero hindi naman laging ganun. Meron ding busy sa pag-akyat ng kung anu-anong ladder (corporate man or academic) at nabubuhay na lamang sila sa intellectual stimulation.

Busy nga e, you know.

5. Juggler a.k.a. In a relationship… with MANY!

Ito yung mga tao na hindi pwedeng magdeklara ng karelasyon, kasi may mga violent reactions. Ito yung mga taong may tatlo, apat, lima… n number of boyfriends/girlfriends. Pero palagay ko, kung juggler man nga ang isang tao, hindi niya ito gagamitin na status sa Facebook.

Mas pipiliin niyang ilagay ang “Single” para makarami pa siya.

4. Self-absorbed.

May mga taong wala ng puwang ang kapwa dahil masyadong puno ng pagmamahal sa sarili. Hindi lang sila non-dateable single, closed pa sila. πŸ™‚

3. Basketbolista a.k.a. Rebounding.

Kung sa mga babae, ito yung tao na kahit unggoy ang manligaw ay may pag-asa. Kung sa lalaki, ito yung hindi kinaya ang breakup kaya kelangan makahanap na ng kapalit para mapatunayan sa ex niya na gwapo siya. Ito yung relationship status na dapat may red warning flag sa gilid na nagbi-blink: Mapanganib. Marami ng namatay dito.

2. Takot umibig at masaktan.

Posibleng ang mga gagamit ng status na ito ay yung mga nilalang na talagang hindi pa sumubok na maglakas ng loob na magmahal, sa kung anumang kadahilanan. Ito na din siguro yung status ng mga seguristang lalaki na takot sa rejection: “Hindi kita liligawan hangga’t hindi ako siguradong may pag-asa ako sayo.”

1.Β In an imaginary relationship (dahil hindi pa niya alam na boyfriend/girlfriend ko siya).

Bwahahaha. Marami akong nakikitang Single na may ganitong estado… Enough said. πŸ™‚

Mas masaya sana tumingin sa profiles ng mga tao kung ganyan kalilinaw ang relationship statuses, hindi ba? Hindi na sana makikiramdam yung ibang tao kung ang “Single” sa status ay pwede mo ng yayaing mag-date o may sandamakmak pang inaayos sa buhay niya o may mahabang pila na pala ng manliligaw…

Pero syyyyyyempreeeeee, babalik ako sa katotohanang Single at None lang ang pinagpipilian ko ngayon.

Malamang, NONE pa rin ang wagi. πŸ™‚

29 thoughts on “Single or None? (The Problem with Facebook Relationship Statuses)

  1. Walang masama sa pagiging Single πŸ˜€ Naalala ko noon medyo naiinggit na ako sa mga kaibigan ko dahil halos lahat sila may jowa na samantalang ako wala pa rin. Peer pressure, diba? Pero last year ko lang napagtanto na mas ok na rin yung single at free kesa naman sa mag-commit sa relasyon na hindi ka naman masaya o sobrang nasasakal ka na. Ang aking kalayaan ay isang importanteng bagay para sa akin, pero syempre, naghahangad din naman ako ng pagmamahal ng isang romantikong nilalang πŸ˜›

    Sa Facebook ko, may fake boyfriend ako. Dapat ko na nga atang tanggalin yun kasi marami na rin ang naloko :)) Sa ngayon, enjoy lang muna tayo. πŸ˜€

    1. hahaha. nasa foreign shores yata yung romantikong nilalang mo mica e. πŸ˜› hahahaha, talaga? fake boyfriend? di ko pa nasubukan yun!

      tama ka, enjoy muna! πŸ™‚ although trip ko pa din ilagay ang status na None, bilang weird ako. haha.

  2. Hahahaha naaliw ako dito. Kalokah ka Helen! πŸ˜›

    I think dun ako sa #5 and #6 ngayon. #5 kasi masisira diskarte.

    I remember this video I watched from Ellen DeGeneres’ show. Nakakatawa din. You might wanna see it:

  3. Marami pa ata versions ang NONE as follows:

    1. None worth mentioning
    2. None worth keeping
    3. None worth remembering
    4. None that I am aware of
    5. None of anybody’s business

    o kaya

    None that I regret.. πŸ™‚

  4. Panalo itong post mo, hehehe! Naalala ko tuloy yung kaibigan ko na 5years na sila nung BF nya, recently lang niya nilagay na “IN A RELATIONSHIP”…. Heto ang pinaka panalo, “In an imaginary relationship (dahil hindi pa niya alam na boyyfriend / girlfriend ko siya).” Gawain ito ng mga FEELINGERO at FEELINGERA… Hehehe! =)

  5. Naligaw ako. Hahah. I enjoyed reading your post. NONE ata e, means, wala pang sisira ng pagkaSINGLE. πŸ™‚ hug po kita sa blogroll ko ha. πŸ™‚

    1. hi emotero! Wow, naligaw ka sa tahanan ng isa pang dramatista. Emotero ka ngang tunay, nanghuhug ang blogroll mo e. Salamat ng marami. Im using phone nga lang ngayon, link back kita as soon as I get my computer connection back. πŸ™‚

  6. hmmmm ^___^ nakakatuwa yung mga dinagdag mo ah… ang kulet eh may REBOUND ba!? na alala ko naman yung kanta ng Silent Sanctuary na Rebound! hehe.. yung sa one more chance naman na three month rule? d ko pa nasubukan yun ahahaha… Ang masasabi ko lang ate tama ka po! sana maraming pag pilian ang mga statuses <<<tama nga ba? status na marami? haha… ayun nga imagine kung maraming pag pipiliin mas lalong maiintndhan at hindi lang basta singel? oo nga naman ksi hindi purket singel?eh yun na yung meaning na gusto mong iparating hehe..

    mas bagay ka ata ate tlga sa NUN!!! haha JOKE lang! biro lang ah! NONE lang dapat hindi NUN! wag plssss.. lam mo yan! hehe ako kaya anung status maganda sa akin? Sidecar? haha eh kasi may Singel eh… hehe anu yan motor? haha kung may pag pipilian na SIDECard ayaw ko.. hehe parang ang dating nun kabit hehe… nice post ate ^_^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *