The Pickup Lines Post (fruits of inflamed tonsils)

I needed to do something to distract me from the vomiting spells, intestinal pulls, and tummy ache that I got after taking Erythromycin for my tonsil problem (this is the most horrible side effect I’ve had for the last 2 years of taking meds.). So I decided to play a little, deviate from my usual content and amuse myself with this post.

I kept on watching, hearing, responding to some and laughing at all pickup lines. My turn to experiment on it has finally arrived.

(This is one last jab at my keyboard before I go completely on bedrest tomorrow. I shall save the seriously useful posts for later. This is just a diversion for those who want to distract themselves from pain. :-D)

10. (imagined) Boy at Girl na Adik sa Website Stats:

Boy: Nacheck mo na ba yung website traffic mo?

Girl (pabulong): Hindi pa. Na-traffic na kasi yung utak ko kakaisip sayo e…

Speechless si Boy. LOL.  Yun o. Haha.

 

9. (imagined) Habang gumagawa ng plano sa PC:

Girl Engineer: Nagpahula ako kahapon. Sabi nung palm reader, hindi daw Pinoy ang mapapangasawa ko.

Guy Engineer: Naniniwala ka ba talaga dun?

Girl Engineer: Medyo…

Guy Engineer: Hmm.. Sana Autocad na lang ako ano…

Girl Engineer: *tumawa* Bakit naman? Anong koneksyon?

Guy Engineer: *hinawakan ang palad ni girl* Ang gulo kasi nito e, kung saan saan nagpupunta. Ia-align ko lang lahat ng guhit ng palad mo para ituro ka papunta sa akin.

(Swabe much si Engineer…)

 

8. (halaw) Guy talking to a Dense Girl:

Girlette: If you were a website, you’d be Facebook, cause I like you a lot.

Boylet: Really now? You are Google, for me.

Girlette: *slow to analyze and suspicious* Oh? Why? Is it because I give too much away? Or is it because I’m white and plain?

Boylet: No… It’s because you have everything I have been looking for my whole online life. There’s always more to you each time. And I don’t see myself looking anywhere else

Girlette: Aww. 🙂

 

7. (imagined) Sa isang party ng mga yuppies:

Boy: *lumapit kay girl* Hi Miss. Nag-trend ka ba sa Twitter ngayon?

Girl: Ha? *tumawa* Hindi, para sa mga sikat lang yun. Bakit mo natanong?

Boy: Ang HOT mo kasi e…

 

6. (semi-imagined)

Bilang madaldal, Gal flooded Guy with chat messages sa YM while he was AFK.

Gal is typing…

Gal: Sorry. Flooder. Ka-wavelength kasi kita, nasasabi ko lahat. LOL.

Guy: Okay lang. Kahit kailan, ang wavelength mo ay hindi magiging noise sa pandinig at paningin ko…

 

5. (imagined) Ang Office Girl at At Ang Electrician:

Electrician: Mam, tapos na po. Kaso kailangan po yatang lagyan din kita ng electric tape.

Office Girl: Ha? Iniinsulto mo ba ako, Kuya?

Electrician: Hindi naman Mam. Nakukuryente lang kasi ako sa ganda mo e… Delikado din yung ibang makakakita sayo.

(parang Sting commercial lang. LOL)

 

4. (true to life)

Ate: Paano ko kaya mado-download itong Arabic song na ito?

Young guy: *Nagbigay ng link at nadownload ni Ate.*

Ate: Wow. Thank you ha…

*pause*

Young guy: Ate, naiintindihan mo ba yang kantang yan?

Ate: Hindi, pero gusto ko siya.

Young guy: Parang ikaw pala yan ate. Hindi kita maintindihan. Pero GUSTO KITA.

🙂

 

3. (true to life ito, pero hindi para sa akin at narinig ko lang)

Gwapo: Ganda, pwede mo ba akong samahan?

Ganda: Saan?

Gwapo: Sa pagtanda.

 

2. (…)

Lalaki: *emotes* My heart is chained.

Babae: *pabiro* Pano na yan? Kakalogin ko ba ang chains?

Lalaki: *pabiro yata* Hindi na kailangan. Nasa’yo na yung susi e.

Dito naman, speechless si Babae.

 

1. (semi-imagined) Dalawang bloggers na adik sa contest:

Blogger A:

Online contest? Ayoko ngang sumali.

 

Blogger B:

Tara na, sali ka na. Dati naman sumasali ka ah. Laging talo nga lang.

Bakit ayaw mo na?

 

Blogger A:

Isa lang naman ang gusto kong mapanalunan e: YUNG PUSO MO. 😀

Mabibigay mo ba yun? 😛

 

***

hahaha. The things I do to amuse myself. I do hope I get well very soon…. 🙂

30 thoughts on “The Pickup Lines Post (fruits of inflamed tonsils)

    1. hahahaha! hi donna! thanks! miss ko na review days natin. walang hiwaga ng bouncing ball sa office e. kaw lang meron nun. naabutan mo pa ako bago ako magshut down. ang sakit na talaga ng tiyan ko, humihilab. buti na lang nalibang ako sa post na ito. 🙂

  1. LOL 😀 eto kaya gawan mo rin ng story: “Bakit mo ko ginagawang DQ? You turn me upside down, hoping that I fall!” wahaha, try mo rin, baka ice cream katapat ng tonsil mo 😀 hav a sound sleep!

    1. hahaha thanks! i have been meaning to ask, who has been making a DQ out of you, apsie? 😛 ang takot ko lang kumain ng ice cream sa estado ko ngayon, parang may martilyong umiipit sa magkabilang side ng throat ko. lol. but when all else fails, i just might try that suggestion…

  2. Yung number 3, parang napunuod ko ito nung isang araw sa isang contestant ng “Willing Willie”, hehehe! Ako wala ng tonsils problem, kasi I had my tonsillectomy 3yrs ago! Hehehe! =)

  3. Helen, Meron pa akong isang napakinggan…

    GUY: TAE ka ba!?
    GIRL: Hindi… Bakit?
    GUY: Kasi, hindi ka pwedeng paglaruan!
    GIRL: Amf, ahihihi! =P

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *