Bawal Manghinayang!

Salamat sa mga kasamahan kong sina Daphne at Resty (at sigurado ako, may mga magpapaalala pa nito sa Lunes!), dahil tigib na tigib na ako ng panghihinayang sa dalawang bentilador at isang 8 GB USB flash drive na hindi ko napanalunan sa pagdiriwang namin dahil umuwi ako ng maaga! BOO! Boo talaga sa akin, bakit ba kasi hindi ako nakakatagal sa maiingay na lugar? Sumobra na ang sakit ng ulo ko at naubos ang enerhiya ko sa kakaibang Trip To Jerusalem, Talong Version na nilaro namin dun.

Sobrang desperado akong hawakan ang talong sa larong iyon dahil may ipapagawa daw ang mga nag-organisa ng laro sa mga hindi makakahawak sa talong sa takdang panahon. Kinailangang kong sumayaw, tumakbo at… kumapit ng mahigpit sa talong na makakasalba sa aking pagkatao. Hay, ayan tuloy, antok na antok na ako nung nagbubunutan na ng premyo.

Akalain mo ba namang ako ang mabubunot sa pinakamalaking premyo sa lahat? Ang tanga ko lang talaga kasi umuwi ako ng maaga. Hahaha.

Subalit, datapwat, gayunpaman, masayang masaya ako kasi nakuha ko ang nasa wish list ko, ang Eat Pray Love na libro ni Elizabeth Gilbert:

Tapos sa unang pabunot nakuha ko naman ang bagong baunan at lalagyan ng tubig.

Tawagin mo na akong mababaw na tao pero nung nakita ko ang baunan at ang libro, masaya na akong kumuha ng taxi at umuwi. Pakiramdam ko kasi nun sulit na yung binayad ko sa pagkain, regalo at kasiyahan pa lang.

Sa totoo lang, naalala ko talaga ang Diyos. Minsan mahilig tayong limitahan ang mga sarili natin sa mga pangarap natin. Hindi natin hinihintay na may malaki pa palang sorpresa kung magtitiyaga ka lang

Ngayon alam ko na ang pakiramdam ni John Lloyd Cruz sa My Amnesia Girl nung sinabi niyang: “Paano kung dumaan na siya sa harap mo, pero yumuko ka para ayusin ang sintas ng sapatos mo?”

Takte naman, pati ba naman sa premyo nalalampasan ako? Akala ko ang malas ay sa buhay pag-ibig ko lang. Sa totoo lang, hindi naman ako malas e. Swerte nga ako e; masama nga lang ang timing ko!

Napapansin ko lang din, napakapalad ko nitong linggong ito. Nanalo ako sa patimpalak ni Kikay Runner. At kung umupo pa ako ng kalahating oras sa party kagabi, may bentilador na dapat ako ngayon na nagpapahangin sa mukha ko habang sinusulat ko itong blog post ko. Kunsabagay, dagdag kuryente lang yun. LOL. Bitter much, ate? haha.

Maraming nagalak din dahil hinati sa anim na tao ang premyo ko. Iisipin ko na lang na niregaluhan ko silang anim. Ano pa nga bang mahihiling ko? Yung pagkakataon lang na nandun ako sa Christmas Party na yun, naabot ko na yung trabahong gusto ko at nakakasalamuha ko ang mga katrabahong gusto ko– kalabisan na kung maging reyna pa ako ng bentilador! Hahaha.


(hindi ako uminom ha, nakisama lang ako sa photo opp nitong si kaibigang Resty!)

Sagad na sagad ang biyaya sa akin nitong mga nakaraang buwan, kahit nanghinayang ako sa premyo, alam kong hindi yun ang huling panalo ko.

Special thanks to Carina (aka LET board exam topnotcher) for the pictures. Emo pose pa lang, alam kong top 2 na siya hahaha:


Nandito na ako sa trabahong gusto ko. Yun na ang pinakamalaking Christmas Gift ni Lord sa akin ngayong taong ito. Kaya mananatiling matamis ang aking ngiti, gaya nito:

At pangako, sa susunod na taon, hindi na ako uuwi ng maaga! hahaha.

Malapit na Pasko. Thank you so much Jesus, you rock my world! 🙂

14 thoughts on “Bawal Manghinayang!

  1. hindi tayo malas sa buhay pag-ibig.. hehe.. hindi pa lang talaga siya binibigay ni Lord sa atin kasi ni minomolde pa siya para maging karapat dapat siya sa atin at syempre tayo din para sa kanya.. hehe..

    Nasa wishlist ko rin yang book na yan ngunit wala pang nagbibigay.. hehe..

    1. nagtry akong bilhin yang book na yan through fully booked online shop pero out of stock siya. ang swerte lang this month nagkaron ng stock sa national bookstore at nabili nung mabuting loob na nakabunot sa akin…:)

    1. hahaha oo nga donna. bibigay ko na lang sana ung isang electric fan sayo kung nagkataon hahahaha. oo balak kong balansehin sana, may Tagalog din akong posts para naman may patriotic effect ang website na ito. hahah.

  2. hi helen,

    ayan, dumaan na ko dito. salamat sa masarap na cookie ngayong umaga.

    at oo, wala ngang dapat ipanghinayang sa anuman. though may isang bagay akong pinanghihinayangan sa buhay ko–kung bakit ko pa pinakawalan si toni gonzaga, noong hindi pa siya sobrang sikat. hay, sayang.

    🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *