confessions

sa matagal na time na hindi ako nagblog, natuto ako ng napakaraming bagay.

natutunan ko ang pain ng rejection na madalas kong itake for granted dati.

dati pag may binasted ako basta basta ko na lang binabasted. actually, medyo butcher pa rin ako pagdating sa ganyan ngayon. pero mas maingat na ako kasi alam ko na ung feeling kapag may strong feelings ka para sa tao na hindi mo naman hiningi tapos aayawan ka na lang ng bigla just at the point na umasa ka na ganon din nararamdaman niya para sayo. tapos bigla kang sasaktan.

it takes guts for someone na lumapit at i-express sayo kung gaano ka ka-special. so dapat mong iappreciate at least kung hindi mo man maibalik at somehow tulungan mo siyang makalimutan ka para naman sumaya na siya. wag maging madamot at vain.

natutunan ko rin na ang mga pinakamahalagang aral sa buhay ay hindi ko makukuha sa intelektwal?o akademikong?paraan. oo nga bihasa ako sa calculus, sa grammar, sa pagsusulat, sa pagkanta (feeling!), sa pagsketch ng rubber shoes at pagpapaganda at pagpopose sa salamin at camera. pero ano nga ba talagang nagawa ko para sa ibang tao? halos wala e… konti lang… on the other side of the?world napakaraming taong naghihirap.?eto ako, kumpleto?pero nagseselfpity pa rin sa mga dinanas kong pain na walang kwenta kumpara sa dinadanas ng ibang taong mas bata at mas mahirap pa kaysa sa akin.

i owe society a lot of things. i owe myself a lot of love. i owe my friends the love and care i forgot to give them because i was so engrossed enliving fairy tales over one big charade. over little boys trying to play big men and prince to a girl who had a distorted vision of what life should be like.

and i owe so much to God who gave me this time and this life, and for the past 19 years ay puro maling pantasya lang iniisip ko to the point na nakalimutan ko nang pangalagaan at mahalin kahit ang sarili ko. hindi ko ginamit sa tama at makabuluhang paraan. for that, isang malaking splat.

minsan iniisip ko bakit ba pinaranas sa akin ung mga bagay na yun. bakit naging napakapasaway kong bata! pero walang sagot. siguro it required na maranasan ko muna yun bago ko matutunan ang mga bagay na dapat ay alam ko na dati pa. sana next time i don’t learn things the hard way. i might not get as lucky and not be given another chance to live a better life kasi. i hope i get it right na. ayoko na ng trial and error na buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *