init ulo moment

ang new year’s resolution ko ay magsulat ng bagay na may sense… nilalagay ko na lang sa tama. ang pribadong buhay ay dapat manatiling pribado.

napakalamig talaga ngayon. minsan gigising ako sa umaga, tapos talaga halos hilahin ko na yung katawan ko… “sheng, may klase ka pa. di ba acad mode ka na forever…wake up! WAKE UP!”… ilang linggo it worked… grabe sobrang dapat may award na akong early bird sa mga klase ko.

at eto pa mas heroic… may typhoid pa ako pumapasok na ako. well sabi nila paghahasik ng lagim yun, pero palagay ko mas matinding pagpapakamatay ang tumanga sa bahay knowing na every minute na tinatanga ko sa bahay eh nadadagdagan ang backlog ko sa acads. ayoko nang mag-LOA ulet dahil pumurol talaga ang utak ko non…kaya nga yata nauuto ako e. never again!

sana lang nagvivitamins ang mga kaklase at ibang kahalubilo ko sa UP. Lord bless them. at kung mahawa man sila, sana Lord bigyan mo sila ng pambili ng gamot.

at syempre nakakpag-init ng ulo pa rin ang mga jologs na driver at mga pasaherong hindi marunong makiramdam na isisiksik na lang ng basta basta ang puwet nila kahit na parang puwet na lang ng daga ang kasya dun sa upuan ng jeep. mas nakakainis ung barker na nagsasabi “o kasya pa yan siyaman pa yang upuan na yan”

baka kasi ang gusto nilang isakay na pasahero eh siyam na daga kaya kahit nakangiwi na kaming mga nilalang na nakaupo sa loob ng jeep e pinipilit pa ring pasakayin ung matabang aleng may napakalaking pwet. at swerte ko pa. madalas kasi ako ung tatabihan ng mga ganon. masarap siguro ako gitgitin. o baka merong sign sa mukha ko na nagsasabing: “gitgitin mo ako… pramis masaya ako gitgitin!” parang dapat kalahati lang binayad ko sa drayber dahil kalahati lang ng puwet ko ang nakaupo kadalasan.

buti na lang may gentleman sa ordinary bus na sinakyan ko kanina. kundi napraning na ako kakatayo dun sa bus. nakakapanghina kasi e. pakiramdam ko nga nde pa ako magaling sa typhoid ko kasi parang nilalagnat pa rin ako paminsan-minsan.

whatever. pumapasok pa rin ako. wala naman akong ibang gagawin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *