birthdays, flattery and fattery

Happy birthday to June (06/30) and my biological daddy (06/27)!

my dad’s already 64.

he may play favorites, but i’m still lucky to have him: his looks, his genes and his support for my education.

besides, i’ve got wonderful half-siblings. i really take back what i said about daniel before. he isn’t gay and weird as i thought. i spent time with him, Michaela and Esther Abby last Saturday and Sunday. It was the first time I got to bond with my halfsiblings on my father’s side. I used to give all of my loving to harvey.

grabe ang sarap pala ng maraming kapatid lalo na kapag malambing sila, nakakatuwa, matatalino at magaganda. i’m very proud to have halfsiblings like them!

dati naiinggit ako kina daniel, pero nung nakilala ko sila, i’m very happy na they’re in better condition. sa lahat ng mga kapatid ko sa ama, ako lang yung nagdaan sa considerable na hirap. they were all born with silver spoons in their mouths.

they’re very talented pa. daniel is the most talented pianist iv’e ever met in my life. and i’m not saying that dahil kapatid ko siya. totoo talaga. michaela’s voice sounds like charlotte church’s. i know no amount of voice lessons can make me sing like that. it’s a natural gift for her, to compensate for the lack in intellectual gifting that seems to be Esther Abby’s domain.

Amazing how a smidgen of info can change one’s perspective in a snap. it happens to me when I tend to believe what other people say about a person without really getting to know them. Ayan. at least i got to know the kids. THEY’RE ADORABLE. No wonder they’re dad’s favorites.

Bonus fact: THEY LIKE ME BACK. In fact, they don’t want me to go home na nga after nung nag-sleepover ako sa kanila. They were so psyched to have an older sister. All along kasi akala nila sila lang ang anak ni daddy e. Naku ha baka mahilo sila pag pinakilala kami lahat. Pero nagulat talaga ako sa pagtanggap nila sa akin. Ni hindi ako nahirapan. Napakadaling pakisamahan. At ang gaganda talaga nila. Maputi pa sila sa akin. Ang kikinis. Napaliguan ko pa nga yung bunso e. Nakakatuwa talaga. For the first time, I felt like I had a family.

But for personal reasons, hindi ako titira dun kahit anong pilit nila. Unless…. may mga bagay kasi na hindi ko pwedeng sabihin e.

Nagkasakit nga lang ako sa pag-stay sa kanila kasi aircon yung bahay nila. Ganon karangya ang buhay nila e. Dalawa computer nila sa bahay. Hindi kasi ako sanay sa bahay ng mayaman kaya nagkasakit ako. Sanay ako sa malamok at ma-ipis at sa bentilador na maraming alikabok.

so much for that.

i still love my dad. at least i was able to tell him how i feel about certain issues. he did promise to buy me a laptop. NABASA NIYO BA? uulitin ko: he promised to buy me a laptop. grabe. sana hindi drowing yun kasi talagang kailangan ko na yun eh dati pa!

==

my bestfriend’s 19.

i don’t have other close friends in my life who can ever equal the things june has done for me. sa buong buhay ko na nagkaroon ako nga mga kaibigan at boyfriend, si june ang pinakamatagal, ang pinaka-close at nararamdaman ko na pinakamahal ako. and dahil nababasa niya toh binubuhos ko na lahat a la recoletter nung high school na hindi ko na nagagawa pa ngayon sa kanya. kilometric ang mga sulatan namin ni june dati eh. Siya lang ang tumagal ng ganito sa akin. Lahat na ata sumuko na eh pero anjan pa rin siya. Hindi ka ba naman mapapamahal sa isang gaya niya!

ni hindi ko nga siya na-surprise in the way her blockmates did. pero mahal na mahal ko naman siya di ba. kaya nga i made this sub-entry for her bago pa ako malunod sa mga pinaggagagawa ko lately sa school at sa work at sa kung anik anik pa.

pero i appreciate her more than ever now. she even made the layout for this site. i mean, i really can’t do something like this, y’know. =)

June: babawi na lang ako next time. ito na muna. lamo naman na labs kita di ba. =) miss you more right now than ever!

two special people in my life have their birthdays three days apart.

my birthday is on the third of september.

3 is a special number for me, i guess.

*==*==*==*==

FLATTERING?

well, that’s sandara’s famous line davah…

people have been calling me sandara lately.

should I be flattered?

wala siyang talent. pero i have to admit, nagkakahawig na kami. ang taba ko na kasi.

ewww. what’s with me?!?

i admit, namimiss ko na si china cojuangco. nung payat ako siya ang kamukha ko e.

DREADED ONSE

wala akong masagot sa mga problems. kada isang problem back to back na yellow pad ang solution. nde ko malaman saan pinaghuhugot yung mga sagot.

pramis.

kelangang ipanalangin.

exam na namin SOON.

nakakatakot. baka magka-singko ako.

NAKU LORD WAG PO!

ayokong mag-drop. ayokong masingko. i want to gradweyt on time!

*==*==*==*==

namimiss ko na ang maraming online hours. pero i have to sacrifice. sandali na lang naman e.

*==*==*==*==

meet smiley with bigote… Mayor Recom Echiverri, our new city mayor.

i heard he has a rape case. and that he shoots people when he’s angry. with a real gun.

obviously, i didn’t vote for him.

well… malay natin. at least bago. baka magaling naman pala siya despite the abovementioned things.

*==*==*==*==

GMA = madaya

the intellegentsia supports her anyway.

ewan ko ba which is worse: to elect a cheater or someone who will probably wreak havoc in the country- but he is the people’s real choice.

anlabo.

*==*==*==*==

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *