medyo marami toh….

S Serious
H Handsome
E Exhausting
N New
G Glitzy
L Luscious
A Amazing
B Brutal
A Ambitious
O Odd

Name / Username:

Name Acronym Generator
From Go-Quiz.com

got that from bibay’s blog… =)

*==*==*==

i think our relationship is being tried right now… alam niyo naman siguro pag nagmahal ako todo bigay kaya parang ang hirap ialis sa utak ko na nagkakaganito na kami ngayon… huhuhuhu….

i’m not sure if we’ll make it on our 1st anniversary. huhuhu… ayokong mawala siya sa akin. kaso i don’t know if it’s gonna work out. i’m not hoping too much baka masaktan na naman ako.

i know i’m the only one who can solve this. at the moment, i’m still darn confused so i’m drowning myself with school and work… surprisingly, hindi ako nagmumukmok or nagseself- pity. means i really snapped out of that victimitis spell completely. kasi ang daming nangyayari ngayon na matindi pa dun sa mga dating nangyayari sa akin pero hindi ako sumusuko. naging matatag na ata talaga ako. but that doesn’t mean it doesn’t hurt.

sana nga trials lang ang pinagdadaanan namin ni gilbert. magiging napaka-painful kasi para sa akin kung mawawala siya. ngayon nga lang na nararamdaman ko na nag-iiba na siya sa akin naiiyak na ako e… pero hindi ko hawak ang damdamin niya. i’ve only got myself.

umiiyak nga ako habang nagpa-practice ng mga techniques sa drawing for ES 1 kagabi eh. inabot na ako ng umaga kakapraktis. nabali na nga ung compass ko kakagawa ko ng circles at kaka-strike ng arcs sa ilang daang linyang drinowing ko sa scratch para mapagpraktisan. kawawang mga drawing materials un. dun ko nabunton lahat ng nararamdaman ko. nung nagsawa na ako sa pagdrowing, nagfreehand naman ako… nag-iimprove na nga e… buti naman nde na naubos pencils ko kakadrowing ko. para akong adik.

tapos nung nabagot na ako ng tuluyan sa ES 1, ung readings naman sa mine surveying ang pinuntirya ko. binasa ko cover to cover. hay naku… maiksi lang naman kasi un… medyo na-grasp ko na anong itatake up namin for the rest of the semester. hindi ko sinasadyang maging ganon ka-advanced ang reading ko pero what can i do? i was too depressed to stop.

after non, nde pa ako natulog. nag-aral pa ako sa physics 73… nagpraktis ng mga Q in at Q out at PV diagrams…. mga simple calorimetry problems at ung bonus take-home assignment sa recit…

nasarapan na nga ako sa kakapuno ng utak ko ng acad stuff para lang makalimutan ko si hun kahit sandali lang… pero by the time na inaayos ko na ung readings ko sa hum 1, nagsimula nang bumigat ang mata ko. at nakatulog ako sa upuan. ayun. paggising ko kanina sisimulan ko na dapat yung mga lessons sa ES 11 na nde ko nabasa sa libro pero naalala ko birthday ng pinsan ko kaya kelangan naming pumunta sa kanila come lunchtime.

makulit ung mga pinsan ko hinahanap si “kuya gilbert”. tinutukso pa ako ni ate mira kaya ayun, napaiyak na naman ang lola niyo nung naalala niya ulet. bad trip nga e…

aminado naman ako may kasalanan din ako kaso nde ko talaga naisip na magkakaganito na agad. ang sasakit ng mga salitang nabitiwan namin sa huling major away namin. it still rings in my head. nagkasumbatan pa kami… ewan ko ba… mahal na mahal ko pa rin siya kaya apektado ako.

buti na nga lang productive pa rin ang pagiging depressed ko. nde nasayang ang weekend ko. pero pramis nagiging brutal na naman yata ako sa sarili ko. kelangang mabalanse ko na ang tamang kain, tulog at aral.

marami nang nagsasabing mag-vitamins ako. baka bumili na ako mamaya. ayoko na kasing pumayat dahil mas maganda na raw sa akin tong katawan ko, kahit may mga kaibigan ako sa school na umaapila dahil mas sexy daw ako dati.

sabay sabay dumating ang mga problema. pero di bale, kakayanin ko toh!

so much for that.

*==*==*==

ES 11 is so boring… boringly hard… natatawa kami nung seatmate kong si darrel dun sa prof namin e… pero in fairness, ambilis magturo ng hinayupak. napansin pala niya na nagtatawanan kami nung biyernes. kami lang kasi ung maingay sa class. lahat ng classmates namin todo kinig sa dreaded onse. actually, nakikinig naman kami ni darrel kaso maingay kami…

prof: sige magtatawag ako sa recitation marami pa taung oras

darrel (grumbles): sinasagad talaga niya! shet siya may klase pa ako sa physics…

me: hehehehe *paypay* okey lang yan. mega-takbo ka na lang sa beta way mamaya!

prof: LABAO, helen mary? asan ka? *tumingin sa akin* ah ikaw pala yan…

me (panicky): *namumutla* darrel anong sagot jan?!? *pointing at complex free body diagram in blackboard*

darrel: relax sheng equillibirum of forces pa lang yan

me: NAKU! *ngatngat kuko sabay tingin kay prof* sir?

prof: nde pa naman kita tatawagin, wag ka mag-alala… kinikilala ko lang ang mga estudyante ko para pag magtatawag ako next meeting…

me: whew! *slumps in the wooden chair*

in short, kelangan ko nang mag-aral kasi mainit na ang mata ni prof sa akin. i’m shurrr next meeting ako ang una niyang maaalala pag naghanap siya ng tatawagin sa board work… advanced naman ako sa kanya nung first day of classes kaso naging lax ako in the succeeding days kaya nde na ulet ako nakapag-advanced reading tungkol sa mga lintek na free-body diagrams na pinagddrowing niya….

nabawasan ko na ang cramming tendencies ko ngaun. thank god.

next project: bawasan ang kadaldalan sa klase.

ayoko nang mapahamak ulet.

*==*==*==

ang galing ng prof ko sa hum 1 at sa pan pil 19. bading pareho! grabe nga lang magpaligo ng readings pero magaling! AS IN! mahihiya ka na mag-english sa harap nila dahil ubod ng lalim ng tagalog nila. bigla ko ngang na-appreciate ang Tagalog dahil sa kanila.

kaso ang hilig magtawag, especially nung prof ko sa Humanidades…

Vince: ang ganda ng handouts mo ah puro drowing

Me: ganyan lang talaga ako… mahilig akong magdrowing sa handouts lalo na kapag boring na.

(natutuwa na ako sa dinodrowing ko at umiikli na ang attention span ko sa pakikinig tungkol sa kasaysayan ng panitikan sa pilipinas! hellurgh that was decades ago na kasi!)

Sir Evasco: Helen! ano ang ibig sabihin ng canon?

Me: ah eh… koleksyon… koleksyon ng mga babasahin…

Sir Evasco: *nandidilat ang mata sa akin* tama…

nasabi ko ba na magkasunod na subjects ung ES 11 at Hum 1?

lagi na lang akong tinatawag ng mga prof kapag may iba akong ginagawa sa upuan. hindi talaga sila ganon ka-open minded para sa mga global learners na kagaya ko… it’s still the traditional “I talk, you listen to me 100%. Enuff said unless I ask you” class discussion.

nde ko alam kung maiksi talaga attention span ko sa classroom or napapagod lang ako sa dami ng subjects ko…

*==*==*==

my boss in MB texted me. may bago na naman akong article assignment. no updates on my submited articles yet. hinihintay ko pa na sabihin niya kung alin ang lalabas sa aling issue… pero siurado meron sa june kasi wedding chuvalex ung mga pinaggagagawa ko last month during summer eh…

at na-pulish pala yung article ko sa MENSAHE, official newsletter ng nag-iisa kong org – mensa philippines. tuwang tuwa nga ako e… balak ko pang mag-submit ulet.

part na rin pala ako ng staff ng Scientia, isang UP College of Science based na publication. may assignment ako for the july ish. usually mga chummy topics lang hinihingi ko dito kasi wala namang bayad at wa na rin akong oras mag-interview for news or in-depth feature articles na specialty nila.

which reminds me, pwede na rin pala akong gumawa ng portfolio of published works. hinahalukay ko pa ung kauna-unahang article ko sa Kalatas na na-publish nung 3rd year ako para kumpleto talaga ung portfolio ko. next ung sa The Word nung 4th year. and of course, yung mga na-publish ngayong isa na akong part time freelance writer. medyo marami na rin yun para masimulan ko na at pag tumanda ako may ipapakita ako sa mga apo ko.

*==*==*==*==

sa susunod na ulet ang ibang kuwento…




]]>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *