kamusta na kayo?

kamusta ka na? =) i will visit your BLOG kapag nakakuha ako ng matinong PC next time. pramis yan. =) at salamat sa pagdalaw sa BLOG ko. you know who you are naman sana. =) tabulas friends: next time na ako dadalaw sa mga BLOGs niyo ha… basta. salamat sa pagdaan. you’re all very interesting people and i enjoy journal-hopping because of you. you see, i have this habit of bloghopping without making a new entry for myself nung bakasyon kasi nga wala namang nangyayaring bago sa akin e. so i immersed myself with other people’s writings- it’s a way of learning for me. kaso, ngayon naman sobrang daming nangyayari na parang bago lahat at hindi ko na ma-contain ang sarili ko as of the moment. so i make time to post and post now para mailabas ko lang emotions ko. that’s when i become more open to absorbing what other people put in their journals. I really think it’s something that demands my 100% attention. kasi reading someone’s BLOG is the equivalent of listening to that person telling you (sa phone or sa text or in person) what’s up with him or her and if in case he or she is someone you don’t know personally, it’s an effective way of getting more acquainted with him or her…… weird thing is that bloghopping made me get to know my high school friends more… it’s a good thing that the distance never hindered us from keeping the bonds of friendship alive. i know you understand what i mean, if you’ve ever been super busy at a certain time in your life… para bang nalulunod ka na at hindi ka na maka-absorb pa. they call it information overload. i call it lack of catharsis. ni pagtelebabad nga hindi ko na magawa. yung mga chikadora kong friends nagsawa na nga ng kakatawag dahil hindi ako mahagilap sa bahay. andito na talaga lahat ng kuwento ko – except for vital issues that are too private for posting. lahat naman ng tao may lihim. believe it or not, kahit ang isang napakadaldal na taong katulad ko ay may mga lihim din. i really don’t know if i can still keep up with this BLOG. pipilitin ko… ang hirap na kasi mag-online dahil nagre-rent lang ako at hindi na nga ako halos makapag-internet dahil sa dami ng ginagawa. pinag-iipunan ko pa ung laptop e… sana nga makakuha ng raket na malaki-laki para mabili ko na un. 21 units ako this sem (that’s the maximum engineering load here in UP) and except for 2 minor subjects worth 6 units, puro major na ang mga subjects ko, namely, Engineering Drawing (ES 1), Statics of Rigid Bodies (ES 11), Mine Surveying (GE 115), Thermodynamics (Physics 73) and General Surveying 2 (GE 12)… wala akong PE. lintik na CRS (Computerized Registration System) kasi yan e! my minors are kinda interesting. Tao at Seskwalidad (Pan Pil 19) – Markitotz, makaka-uno ka dito! mwehehehe… at tsaka Humanidades 1. Humanities tagalog version. =) this is suicide semester. naloloka nga mga ka-course ko nung nakita yung sked ko e. pero mas suicide talaga para sa akin ang enrollment process dito sa Diliman! hindi nga ako makapaniwala na nakuha ko ung ES 1 at ES 11 e ang supply is, like, 60+ and the demand is over 200… draw lots. Pag nakakuha ka ng slot akala mo nanalo ka ng tiket sa lotto! as if naman excited kang makuha yung mga subjects na un e napakahirap namang talaga! lalo ung “dreaded onse” na tinatawag (ES 11). about ung minors, they’re called General Education subjects. mahirap ding kumuha. ang point ko lang, kapag hindi ka taga-College of Science, College of Arts and Letters or College of Social Sciences and Philosophy, hindi ka priority. At engineering yata ang pinakamalas sa lahat. Mahirap na mag-enroll, mahirap pa yung subjects. Unless i-seduce mo yung taong part ng CRS team para makuha mo ung sked mo, or part ka ng registration committee/freshman/graduating status. Daming hurdles. I can’t wait to finish this course. Pakiramdam ko kasi pag nakatapos ako dito eh, I’ll be much tougher and properly trained to handle situations in the workplace. Siyempre maangas kasing matawag na “Engineer” pagkagradweyt mo kaya kahit parang pinapatay ka at nagre-rejoice ka na sa tres e tuloy pa rin. Hangga’t kaya ituloy. Pag hindi kaya… ah eh… pwede namang mag-shift… pero iba pa rin sa engg. I have to get through this thing. otherwise, nde ko matutupad ang goal ko na makakuha ng Master’s degree at minor sa journalism before I turn 25, and finish law before I’m 28. Those are my academic goals. Deep in my heart of hearts, alam kong kakayanin ko naman yun basta wag lang ako madedepress. Kailangan kasing matuto na akong maging prepared sa mga bagay-bagay. Madali kasi akong maapektuhan ng mga tao at pangyayari… I have this longing, and sometimes parang feeling ko wala nang sense yung ginagawa ko. Naranasan niyo na ba yun? Na-realize ko lang, ma-lost at magpakagaga man ako sa buhay ko, tuloy pa rin ang pag-inog ng mundo kaya i swear from this day on na wala na akong sasayanging oras at pera. Hindi na ako magLOA. Magsisipag na talaga ako. if anything else, i will be ready to give up that modelling opportunity if it will make studying too hard for me. i really hope i can balance things out cause i really like my job and the newfound opportunity being given me. kaso iniisip ko nga habang papalapit na yung pakikipag-meet ko dun sa modelling agency owner (bukas na un!), baka joke lang nga talaga yun. kung sakali man, it will be hard to stand out since napakaraming tao ang gustong mag-artista. kaya nagdadalawang-isip talaga ako kung kukunin ko pa. it will all depend on what i will see tomorrow. if it’s good, i’ll be posting the developments (kung meron na nga). if not, i’ll just let it pass. wala namang kaso yun e. masaya lang mag-try. katulad nga ng sabi ng mga tao, madrama ako e. why not put it to good use this time? =) nabawasan na nga pala ang pagkaiyakin ko. hindi na kasi ako miyembro ng victimitis squadron (mga taong pakiramdam ay sila ang may dala ng mundo sa kanilang balikat at sinisisi lahat sa ibang bagay at tao). mas responsable na ako ngayon. hay, may sense kaya ung mga sinabi ko? this is probably just a case of enrollment dementia. at least, i’m enrolled and bona fide UP junior! 2 years na lang!!!!]]>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *