NAMFREL day 1

WE NEED MORE VOLUNTEERS! So many votes are wasted. Ang daming nandadaya sa election returns! Mas marami pa ung erroneous kaysa sa nae-encode. Kaya ayun. Checker, encoder and reader ako kahapon. Ang hirap maging checker. Nakakalula. Nago-overlap pa ung mga carbon imprints sa ERs kaya ayun. Windang ang lola kahapon! Nakakaawa kaya ung mga taong bumoto ng maayos tapos dahil lang sa pagkakamali ng mga BEI (public school teachers) sa pag-fill out ng data sa ER e mai-invalidate na yung boto nila. Imagine. Mas marami talaga ung hindi sinama sa count. Mas napagod ako sa paggawa ng erroneous reports. Tapos ito pa ha. Ung registered voters sa ER marami, tapos kalahati lang yung talagang boboto. Talamak ang corruption sa dagdag-bawas kasi sobra sa tally ung boto ng candidate. hmmmmm…. mapapag-isip ka talaga! Based on the precints I’ve encoded kahapon, the battle is between FPJ and GMA. Kulelat ang manok ko!!! Nakakatawa kaya mag-encode. Yung reader ko kuwela eh! Tinawag nga kaming “happy girls” nung mga Arnean administrators dahil bukod tanging kami ung humahalakhak while encoding. Pano ba naman kasi, ganito ung pagkabasa ng votes: “WOW DICK… 69!” with emotion! potah! parang ang bastos ng dating di ba! Tawa ako ng tawa. Tapo kakatawa namin napindot ng kapartner ko ung RESET ng PC. Hindi ko kaya na-save. So burado ung sampung presinto na na-encode ko. Tulala kami, tapos maya maya nde na kami tumatawa kasi inuulit na namin ung naburang encoded data. DALAWANG BESES pa nangyari! imagine! pero naaliw naman sa’min ung mga katabi namin. Kasi lagi naman silang erroneous. Kami hindi! bwahahahaahah! Sa senators nakakatawa! Ung iba mahilo- hilo na kami sa kaka-add ng boto. Ung iba bumibingo naman! BINGO AS IN STRAIGHT ZERO in all ten columns. Sina Appari, Sis. Norma at Almirante aka Triple A. Bwahahahaha. kung nde pa ko nag-encode nde ko sila makikilala! Sure win na sina Mar Roxas aka Mr. Palengke (binoto ko siya!), si Pia-pia-pia… (na binoto ko rin) at si jjjjjjjjamby (hindi ko binoto!)… Ay sa vice pala si Loren ang lamang sa halos lahat ng presinto sa QC districts na na-encode at nabasa ko. Sarap buhay ng food distributors. Daming pagkain! Yummy! Sarap mag-break! BUFFET! nung meryenda nga naka-apat na sandwich ako e. Tapos 2 four seasons na drink. Tapos mineral. Sabi nga namin ni Mau, mag-uuwi kami ng isang kahong mineral water… bwahahahaha…. dun ka lang babawi sa uber daming trabaho na pinapagawa nila! TODO! pero masaya. Masarap pa yung dinner. Iniisip ko ngang magfull-time dun e. Pamasahe lang yung gastos. niloloko ko pa nga si mau. kahit saan ka kasi tumingin may cutie e. Baka magka-boyfriend na siya dun. Inaasar namin siya dun sa ka-partner niyang chinese sa encoding area who turns out to be a high school student! PEDOPHILE!!!!! bwahahahaa! wala siyang magawa kasi BLOG ko to! bwahahahahaahah! may article akong due ngayon nde ko pa nagagawa…. hay buhay talaga naman. AT PUMASA PALA AKO SA PHYSICS! konti na lang kelangan ko. Bwisit mali daw pala kasi ung answer key na pinost ni sir. As usual, reactive behavior si sir ayaw tanggapin ung blame.]]>

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *